Iminungkahi ni Barangay Health Wellness Partylist Rep. Angelica Natasha Co na pakilusin ang mga foreign students na kumukuha ng health care professions degree sa bansa.
Ito ay bilang tulong sa mga barangay health workers at health centers.
Ayon kay Co, bukod sa mga foreign medical students, maaari ding patulungin ang mga TESDA certified caregivers para naman sa mga non-critical at low risk patient care.
Pinakokonsidera rin ni Co sa PRC na tukuyin ang mga licensure exam aspirants na hindi umabot sa passing mark nang 1% hanggang 5% at isailalim ang mga ito sa masinsinang review at pakuhain muli ng pagsusulit.
Oras na pumasa, maaari silang italaga sa mga ospital para sa kunin ang less critical care functions.
Facebook Comments