Quezon City – Arestado ang isang foreign national matapos na magwala at manapak ng delivery boy sa D. Tuazon Street, Quezon City.
Kuwento ng complainant na si alyas Nicolas, hinatid lamang nila ang kanilang kasamahan nang bigla silang lapitan at ambahan ng suntok ng foreigner.
Dahil dito, naalarma ang mga guwardya nang sapakin ng foreigner si Nicolas kaya pinosasan nila ito at dinala sa Quezon City Police District (QCPD) station 1.
Nagkasugat-sugat naman ang mukha at braso ng foreign national matapos itong umilag sa mga humuhuli sa kanya at humiga pa sa basang kalsada.
Hindi makausap nang maayos ang foreign national na tumangging sabihin ang kanyang pangalan at bansang pinanggalingan.
Maaaring maharap sa mga kasong alarm and scandal at physical injuries ang suspek.