Dahil sa pagnanais na makauwi na sa kani-kanilang mga bansa at hindi maiwan ng flight, maagang dumating sa NAIA terminals kanina ang mga dayuhan na inabutan ng Luzon lockdown.
Ilan naman sa mga dayuhan ay walang plane tickets at nagbabakasali lamang na makalipad bilang chance passengers.
Nilinaw naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesperson Connie Bungag na hindi sila nagpapapasok sa paliparan ng mga pasaherong walang ticket gayundin ang mga pasaherong kinabukasan pa ang flight at mag-o-overnight lamang sa loob ng airport lalo na sa NAIA 3
Samantala, sa Mactan Cebu International Airport naman ay dumagsa rin ang mga pasaherong French na papauwi sa France; gayundin ang mga Vietnamese na estudyante na pauwi sa kanilang bansa.