Papayagan nang magtungo sa Pilipinas ang mga foreign nationals na nais magtrabaho sa bansa.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), maaari lamang mag-aaply ng mga ito sa kanilang prospective employers na nakabase sa Pilipinas.
Makukuha ang work visa sa Philippine Consulate kung saan naninirahan ang foreigner na nais mag-apply.
Tatagal ang kontrata ng mga ito sa Pilipinas nang mahigit sa 6 na buwan.
Nabatid na bago magtrabaho sa bansa, kailangan lamang magpasa ng foreign nationals ng Alien Employment Permit (AEP) at Certificate of Exemption/Exclusion (COE).
Facebook Comments