Foreign policy ng bansa, pinapaimbestigahan ni Sen. Bam

Manila, Philippines – Muling iginiit ni Sen. Bam Aquino na busisiin ng Senado ang direksiyon ng foreign policy ng bansa kasunod ng mga bagong pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ukol sa Benham Rise at Panatag Shoal.
 
Sept 19, 2016 pa inihain ni aquino ang Senate Resolution No. 158, na may layuning linawin ng pamahalaan ang posisyon ng bansa sa iba’t ibang polisiya ukol sa relasyong panlabas.
 
Ang nabanggit na resolusyon ay napunta sa Committee on Foreign Relations pero hanggang ngayon ay hindi pa ito inaaksyunan ni Sen. Alan Peter Cayetano na syang chairman ng komite.
 
Sumuporta din sa naturang resolusyon, sina Senators Franklin Drilon, Francis Pangilinan at Leila de Lima.
 
Katwiran ni Aquino, dapat mabigyan ng kaliwanagan ang Senado ukol sa kasunduang pinasok ni president Duterte sa China kaugnay ng Benham Rise na ayon Department of Foreign Affairs (DFA) ay lingid sa kanilang kaalaman.
 
Target din ng resolusyon na ipaliwanag ng Departments of Foreign Affairs, Finance at Trade and Investments ang epekto ng mga pahayag ni Pangulong Duterte sa mga Pilipinong naririto at nasa ibang bansa.


Facebook Comments