Foreign policy ng US sa mga bansa sa Asya, inaasahang mapapagbuti na sa ilalim ni President Joseph Biden

Umaasa ang ilang mga kongresista na magiging mahusay ang foreign policy ng Estados Unidos sa Pilipinas at sa iba pang mga bansa sa Asya sa ilalim na rin ng bagong Pangulo ng US na si President Joseph Biden Jr.

Ayon kina Ako Bicol Partylist Rep. Alfredo Garbin at Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun, umaasa silang magkakaroon ng development sa relasyon ng US sa mga bansa sa Asya dahil prayoridad sa agenda ni Biden bilang bagong Pangulo ng America ang environment anti-corruption, kalakalan, agham, teknolohiya at governance.

Ayon kay Garbin, naniniwala siyang mas maraming health professionals ang bubuti ang lagay at oportunidad na makapagtrabaho sa US lalo pa at unti-unti na ring bumubuti ang lagay ng bansa sa kabila ng COVID-19 pandemic at iba pang isyu sa public health.


Malaki naman ang pag-asa ni Fortun na hindi lamang hanggang salita ang Biden administration kundi makikita rin ang kongkreto at makabuluhang adbokasiya sa pagtulong sa mga bansa katulad sa Pilipinas.

Dagdag pa ng mga mambabatas na ratipikahan na rin sana sa lalong madaling panahon ni Biden ang UN Convention on the Law of the Sea upang maging matibay ang polisiya ng US sa freedom of navigation, regional security, at geopolitical stability.

Facebook Comments