Natagpuang walang buhay sa loob ng tinutuluyang apartment sa Brgy. San Miguel, Calasiao ang isang 29 anyos na foreign aviation student.
Sa panayam ng IFM News Dagupan kay Calasiao Police Station Duty Officer PCapt. Godofrey Mercado, idinulog na lamang umano ng kasamahan ng biktima ang pagkatagpo sa katawan nito sa sahig ng kanilang kwarto kasama ang pamunuan ng pinapasukang aviation college.
Isang araw bago ang insidente, pinayuhan nang lumiban sa klase ang biktima matapos kumonsulta sa ospital dahil sa idinadaing na pananakit ng katawan.
Walang nakitang sugat o injury sa katawan ng biktima at wala ring indikasyon ng panlalaban dito.
Itinakbo pa sa pagamutan ang biktima ngunit idinaklarang pumanaw na. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









