Foreigner, arestado matapos magwala at manapak ng delivery boy sa Quezon City

Quezon City – Kalaboso ang isang foreign national matapos magwala at manapak ng isang delivery boy sa La Loma, Quezon City.

Kwento ng complainant na si alyas ‘Marco’ hinatid lamang nila ang kanilang kasamahan matapos ang isang pagtitipon nang bigla silang lapitan at ambahan ng suntok ng dayuhan.

Nang makita ng mga gwardya na pinagsasapak siya ng foreign national ay agad itong pinosasan.


Hindi naman makausap ang dayuhan na tatlong buwang naninirahan sa Pilipinas at ayaw nitong sabihin kung saang bansa siya galing.

Posibleng kasuhan ng alarm & scandal at physical injuries ang suspek.

Facebook Comments