Foreigner na sangkot sa ATM skimming, pinag babaril sa Q.C

Manila, Philippines – Patay ang 38-anyos na foreigner matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa trapik light ng Kalayaan Avenue kanto ng Kamias Road Quezon City.

Sa initial na imbistigasyon ng Criminal Investigation and Detection Unit QCDP, una ng nakulong ang dayuhan dahil sa pagnanakaw ng pera sa ATM o ATM skimming.

Kinilala ang biktima na si Orlin Stoev na isang Bulgarian national.


Ayon sa ilang saksi, sinundan ng dalawang lalaking naka motorsiklo ang biktima at malapitang pinagbabaril.

Dead on the spot ang dayuhan na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang mukha, kaliwang bahagi ng leeg, at kaliwang balikat.

Ayon sa motoristang si Benny Linzo , kulay dilaw ang motor ng tandem at sila ay nakabonet.

Narekober sa crime scene ang tatlong bala ng kalibre .45.

Facebook Comments