Foreman, Sugatan sa Pamamaril sa San Isidro, Isabela!

*San Isidro, Isabela- *Sugatan ang isang foreman matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek pasado ala una kaninang madaling araw partikular sa Maharlika Highway ng Brgy. Ramos East, San Isidro, Isabela.

Kinilala ang biktima na si Alvin Maneja, 24 anyos, at residente ng Brgy San Jose, Roxas, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, binabaybay ng biktima ang daan patungong south direction lulan ang minamanehong Boom Truck nang biglang dumating ang suspek na sakay ng sasakyan at basta na lamang pinagbabaril ng maraming beses ang sasakyan ng biktima.


Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng likuran ang biktima at dinala sa pagamutan para sa kanyang karampatang lunas.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang dalawang fired cartridge ng Cal 45 at patuloy pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng PNP San Isidro hinggil sa naturang pamamaril.

Facebook Comments