Forensic activities ng PAO, balik na sa normal matapos lagdaan ng Pangulo ang RA 11464

Inanunsyo ni Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta ang panunumbalik ng forensic activities ng PAO.

Ayon kay Atty. Acosta, nagdesisyon silang ibalik ang operasyon ng PAO Forensic Laboratory matapos na lagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11464 o ang batas na nagpapahintulot sa availability ng 2019 national budget hanggang December 31, 2020.

Noong December 16, pansamantalang sinuspinde ng PAO-Forensic Laboratory ang kanilang forensic activity habang naghihintay sila sa tugon ng Pangulong Duterte sa kanilang apela na i-veto ang tinapyas ng Kongreso sa kanilang budget.


Facebook Comments