Forensic activity ng PAO, pansamantalang itinigil matapos ang pagtapyas sa budget ng PAO forensic laboratory

Pansamantalang sinuspinde ng Public Attorney’s Office-Forensic Laboratory ang kanilang forensic activity.

Ito ang inanunsyo ni PAO Forensic Director Dr. Erwin Erfe habang naghihintay sila sa tugon ng Pangulong Duterte sa kanilang apela na i-veto ang tinapyas ng Kongreso sa kanilang budget.

Ayon kay Dr. Erfe, kabilang sa mga itinigil muna nilang forensic activity ay ang autopsy sa labi ng ika-150 suspected Dengvaxia victim na isang miyembro ng Iglesia ni Cristo.


Sa kabilang dako, magpapatuloy naman aniya ang medical at dental community missions ng PAO Forensic Laboratory.

Idinagdag ni Dr. Erfe na ipinauubaya na nila kay Pangulong Duterte ang kapalaran ng pagpapatuloy ng misyon ng PAO Forensic Team lalo na sa mga kapos-palad.

Una nang pinangalanan ni PAO Chief Atty. Persida Rueda-Acosta sina Senador Franklin Drilon, Sonny Angara, Cong. Edcel Lagman at Congrsseiman Janet Garin na nasa likod daw ng 19.5-million budget cut sa PAO Forensic Laboratory.

Facebook Comments