Forensic investigations sa nasunog na Grenfell Tower sa London, sisimulan na sa Agosto

World – Posibleng abutin pa ng 2018 ang pag-demolish ng Grenfell Tower sa London.

Ayon kay site Manager Michael Lockwood, tatakpan muna ng protective wrap simula Agosto ang gusali para makatulong sa forensic investigations.

Sa Nobyembre pa kasi matatapos ang recovery operation sa lugar.


Itinakda naman sa Enero ang criminal investigation sa lugar kung saan mangongolekta sila ng mga ebidensya.

Magugunitang – mahigit walumpung indibidwal ang namatay sa sunog na naganap noong Hunyo.

Facebook Comments