FORESHORE DELINEATION ACTIVITY SA LABRADOR, MAGIGING GABAY NG SURVEYS AT MAPPING

Nagsagawa ng foreshore delineation activity at mean high water line observation ang DENR-CENRO Central Pangasinan Barangay Tobuan, Labrador upang matukoy ang eksaktong hangganan ng Coastal Public Land sa dalampasigan ng bayan.

Sa tulong ng aktibidad, magkakaroon ng opisyal at siyentipikong mapa na magsisilbing gabay sa tamang pamamahala ng baybaying dagat, regulasyon ng pangingisda, hazard prevention at tamang aplikasyon ng buwis o leasing ng lupa.

Ayon sa DENR, ang aktibidad ay mahalaga upang maiwasan ang illegal occupation at hindi sistematikong paggamit ng coastal areas.

Ang pagtatakda ng mean high water line bilang pangunahing reference point ay kritikal sa pagtatakda ng land-use at coastal management sa bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments