Forest ranger ng DENR, patay sa pananaga sa Palawan

Nasawi ang isang forest ranger ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) makaraang pagtatagain ng mga hindi pa kilalang lalaki sa El Nido, Palawan kahapon.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Soc Faltado, spokesperson ng Police Regional Office MIMAROPA ang biktima na si Bienvenido Severino, 44-anyos.

Ayon kay Faltado, nagsasagawa ng law enforcement operation ang biktima sa bahagi ng Barangay Bagong Silangan, El Nido, ay bigla na lamang itong pinagtataga ng nasa 6 na lalaki.


Dahil dito dead on the spot ang biktima, nagpapatuloy na ang hot pursuit operation at imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.

Hindi naman malinaw sa ngayon kung may kinalaman sa pagiging forest ranger ng biktima ang pagpatay rito.

Facebook Comments