FOREST RANGERS SA ILOCOS NORTE, PATULOY ANG PAGBABANTAY AT PROTEKSYON SA KALIKASAN

Nagpapatuloy ang pagbabantay at pagprotekta ng nga Barangay Ranger Officers o Forest Rangers sa kalagayan ng kalikasan sa Ilocos Norte.
Isa ang Barangay Ranger Officers (BROs) sa pamamaraan ng Environment and Natural Resources Office (ENRO) ng probinsya sa layon na mapanatili ang ganda at kalagayan hindi lamang sa kagubatan kung hindi sa sakop na katubigan.
Nito lamang ay nakatanggap ang nasa 234 BROs ng kanilang sahod sa patuloy na serbisyo sa pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng mga programang sumusuporta sa pangkalikasan.
Ilan sa kabilang sa BROs ay Indigenous people na malaki rin ang suporta sa pagprotekta ng kalikasan dahil makatutulong rin umano ito upang maprotektahan rin ang tahanan ng mga katutubong komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments