Manila, Philippines – Hindi naitago ng aktres na si Aiko Melendez ang pagka-inlove nito sa kanyang boyfriend na si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun, kasabay ng pagdiriwang ng kanilang first aniversary bilang magkasintahan.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng aktres kung paano napamahal sa kanya ang pulitiko.
Ibinahagi rin ni aiko ang mga pinagdaanan nilang pagsubok bago naging magkasintahan.
Thankful raw siya na araw-araw silang nagiging mas matatag sa kabila ng sinasabi ng ibang tao na hindi sila magtatagal.
Ipinaglaban din daw ni Jay ang kanilang relasyon kahit minsan ay parang gusto na niyang sumuko.
Dasal daw ni Aiko na sana sila na ni Jay habambuhay.
Facebook Comments