Forever, wish nina Aiko Melendez at Mayor Jay Khonghun

Wish nina Aiko Melendez at boyfriend niyang si Subic, Zambales Mayor Jay Khonghun na sila na ang magkatuluyan habambuhay.

Say ng 47-year old actress, hindi na sila pabata at pakiramdam niya ay nasa punto na sila ng kanilang buhay na wala na silang dapat alalahanin kundi ang maging masaya.

Kahit si Mayor Jay, nais na maging happily-ever-after ang kanilang pagmamahalan.


Marami na rin daw silang napagdaanang pagsubok na mas nagpatibay ng kanilang relasyon.

Facebook Comments