FORGIVENESS | Sen. Panfilo Lacson, nanalanging patawarin ng Diyos ang mga kasalanan ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nananalangin si Senador Panfilo Lacson na mapapatawad ng Diyos si Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng kasalanan nito.

Ito ay matapos kwestyunin ni Pangulong Duterte ang lohika ng Diyos at tinawag pa itong ‘istupido’.

Sabi ni Lacson, noong una ay masasabi niyang iniregalo ng Diyos para sa Pilipinas si Pangulong Duterte.


Kinampihan niya si Duterte sa kabila ng mga pagdududa dahil naniwala siyang iba siya sa mga nagdaang presidente ng bansa.

Pero kung siya ay tatanungin, mas pipiliin niya ang kanyang Diyos na tumulong sa kanya sa oras ng mga pagsubok.

Matatandaang nakitaan ni Pangulong Duterte ng kapintasan ang ‘creation story’ ng bibliya.

Kinuwestyon din ng Pangulo ang Diyos dahil lumikha ito ng mga bagay na perpekto subalit pinahintulutan nito ang pagpasok ng kasalanan sa pamamagitan ng pagkain ng ipinagbabawal na prutas ng mga unang tao na sina Adan at Eba.

Hindi rin tanggap ng Pangulo ang konsepto ng pagkakaroon ng original sin.

Pero naniniwala ang Pangulo na mayroong ‘universal mind’.

Facebook Comments