Manila, Philippines – Hindi na kailangang mag-sumite ng formal notice of termination sa peace talks sa CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Pangulong Duterte, pinal na ang kanyang desisyon at ayaw na niyang makipag-usap sa mga komunista.
Giit nito, kung wala namang aasahan sa pag-uusap ay wala ng dahilan para ipagpatuloy pa ito.
Ang nasabing dokumento ang hinihintay ng National Democratic Front para sa pagtatapos ng peace talks.
Facebook Comments