Formal turnover sa 9 na school buildings na donasyon ng grupo ng mga negosyanteng Tsinoy sa bayan ng SK, ginanap!

LUBOS ang pasasalamat ni Sultan KUdarat Mayor Shameem Mastura sa Filipino-Chinese Chambers of Commerce Inc. at Cotabato-Filipino Chinese Champers of Commerce INc. dahil sa 9 na school buildings na donasyon ng mga ito.
Sa ginanap na formal turn-over ng naturang school buildings na itinayo sa ilang mga paaralan sa bayan, sinabi ni Mayor Mastura na malaking tulong sa mga mag-aaral ang nabanggit na mga donasyon, kasabay nito ay siniguro naman ng alkalde ang seguridad ng mga negosyanteng Chinese at Tsinoy sa kanilang bayan.
Halos lahat ng malalaking kompanya sa bayan ng Sultan Kudarat ay pag-aari ng mga Chinese at Tsinoy tulad na lamang ng LAMSAN.

Facebook Comments