Former ABC Pres ng South Upi sugatan sa pananambang

Sugatan ang former ABC at Brgy Lamod Chairman ng South Upi matapos pagbabarilin habang sakay ng kanyang adventure sa bahagi ng Tenorio , Brgy. Awang sa Datu Odin Sinsuat Maguindanao mag aalas dos kahapon.

KInilala ni COP DOS CINS Achmad Alibonga ang naging biktima na si Hadji Peda Diocolano Binangon 61 years old residente ng rh 7 sa Cot City.

Nagmula sa Brgy Lamod ng South Upi si Binangon papauwi ng kanyang tahanan , pagsapit ng tenorio area ay pinagbabaril ito ng riding in tandem sakay ng XR 200.Nagtamo ng isang tama ng bala mula sa caliber 45 sa kanyang paa si binangon na agad namang naisugod sa ospital.


Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng DOS PNP at South Upi PNP sa tunay na motibo ng pamamaril. Sinsabing si Hadji Binangon ang nakatakdang ipalit sa nabaril ding kapitan na si Mamayog Datuwata.

Matatandaang noong nakaraang linggo pinagbabaril patay si Brgy Lamod Chairman Datuwata habang sakay din ng kanyang motorsiklo. (DENNIS ARCON)

Facebook Comments