Manila, Philippines – Naniniwala si former Chief Justice Reynato Puno na kayang wakasan ng Federal government ang nangyayaring gulo sa Visayas at Mindanao.
Kasunod ito ng kaliwa’t kanang pag-atake at engkwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at ng mga bandidong grupo.
Ayon sa dating chief justice, ang pagsusulong ng Pederalismo ang nakikita niyang sagot sa matagal ng problema sa Mindanao.
Kasabay nito, sinabi ni puno na hindi magiging madali ang pagpapalit ng porma ng gobyerno tungo sa Pederalismo.
Matatandaan noong Disyembre, ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay House Speaker Pantaleon Alvarez na madaliin ang deliberasyon ng charter change para sa pagbabago ng konstitusyon.
Paliwanag ni Puno, kailangan munang tingnan kung kakayanin naba ng bawat rehiyon na tumayo at maging isang estado dahil tiyak na mapag-iiwanan ito sa pag-unlad.
DZXL558