Pormal nang pinangalanan si dating Commission on Election (COMELEC) Commissioner Rowena Guanzon bilang 1st nominee ng party-list na P3PWD na siyang kumakatawan sa mga persons with disabilities (PWD).
Dahil dito, pinapayagan na siyang umupo bilang kongresista ng papasok na 19th Congress.
Sinabi ni COMELEC Spokesperson Rex Laudiangco na bumaba sa pwesto ang orihinal na nominees ng Komunidad ng Pamilya Pasyente at Persons with Disabilities na nakakuha ng isang pwesto sa House of Representatives.
Maliban kay Guanzon, pumalit sa pwesto ng mga original nominees sina Rosalie Garcia, Cherrie Belmonte-Lim, Donnabel Tenorio at Rodolfo Villar.
Ngunit kay Laudiangco, ang naturang hakbang ay sasailalim pa ito sa deliberasyon ng COMELEC en banc.
Batay sa COMELEC Resolution 10717 na si Guanzon mismo ang pumirma noong August 2021 ay hindi kikilalanin ang mga substitution na naihain matapos ang ika-15 ng Nobyembre 2021 maliban na lamang ay bumitiw ang orihinal na listahan ng nominado dahil sa kamatayan o kawalan ng kakayahang gampanan ito.