Former DPWH-12 Regional Director Reynaldo Tamayo naging emosyonal kasabay ng RRWS Senate Inquiry

General Santos City—naging emosyonal si Former DPWH XII Dir. Reynaldo Tamayo matapos itong itinuro ni Road right Of Way Scam whistle blower Roberto Catapang na kabilang sa sindikato.

Kahapon kasabay ng unang araw ng Joint Public Hearing sa Multi-Billion Peso Road Right Of Way Scam dito sa Gensan, sinabi ni Tamayo na hindi nya kilala si Catapang at kahapon lang sya ito nakita ng harap-harapan.

Aniya wala syang alam sa sinasabi ng whistle blower na syay kasapi ng sinasabing sindikado na nasa likod ng Road Right of Way Scam.


Dagdag pa nito na 41 years na syang nanunungkolan sa gobyerno na maganda ang record dahil nagtatrabaho ito ng husto at hindi nito kayang sirain ang kanyang kridibilidad dahil lang sa pera. Inamin din nito na apektado na ang kanyang pamilya sa isyung isinangkot sa kanyang pangalan lalo na ang sinasabing syay involved sa sindikato na namimike nga mga titolo ng lupa.

(Photo From Web)

Facebook Comments