Inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si former Negros Oriental Governor Pryde Henry Teves.
Ito ay makaraang ipatupad ng pulisya ang arrest warrant laban sa dating gobernador kaugnay nang umano’y pagkakasangkot nito sa terrorist activities.
Sa inisyal na report dakong alas-8:15 kaninang umaga nang dakpin si Teves sa Dumaguete City dahil sa paglabag sa Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.
Nagtakda naman ang korte ng P200,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Teves.
Si Pryde ay kapatid ng pinatalsik na si Negros Oriental Representative Arnolfo Teves Jr., kung saan nasa listahan ito bilang top Most Wanted Persons sa provincial at regional level.
Idineklara din ng Anti-Terrorism Council ang magkapatid na Teves bilang mga terorista dahil sa umano’y pagkakasangkot ng mga ito sa murder incidents at harassment sa Negros Oriental nitong mga nakalipas na taon.