Former Gov. Singson, tinawag na sinungaling si PBBM

Tahasang tinawag ni former Ilocos Sur Governor Luis “Chavit” Singson na sinungaling si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Aniya, hindi mapagkakatiwalaan ang pangulo dahil sa mga pinagsasabi nito.

Nang tanungun siya kung ano ang sinabi nito na hindi totoo, binanggit nito ang tungkol sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Nanawagan din si Singson na magbitiw na si Pangulong Marcos upang hindi na umabot sa punto na mangyari sa Pilipinas ang kasalukuyang nangyayari sa Nepal at Indonesia kung saan sinugod ng mga nagpo-protesta ang bahay ng mga pulitiko.

Sinabi ni Singson na dapat umanong unahin ang imbestigasyon sa mga flood control projects sa Region 1 partikular na sa mismong lalawigan ni Pangulong Marcos Jr., ang Ilocos Norte.

Ayon kay Singson imposible umanong hindi alam ni Marcos ang mga proyekto sa lalawigan nito kung saan ang mga kumpanya rin ng mag-asawang Curlee at Sarah Discaya ang kontraktor ng mga ito.

Facebook Comments