Former Magpet Mayor itinalagang bagong Administrator ng North Cotabato

25

May bago nang Provincial Administrator ang probinsya ng Cotabato simula Hulyo 16, 2020.

Inanunsyo ni Governor Nancy Catamco ang pagtatalaga kay dating Magpet Mayor Efren F. Piñol bilang bagong Provincial Administrator sa ginanap na Management Committee Meeting na dinaluhan ng mga department at division heads sa Provincial Governor’s Office, Amas, Kidapawan City.


Bilang tugon, taos pusong pinasalamatan ni Piñol ang gobernadora sa pagbibigay sa kanya ng oportunidad na makapaglingkod sa kanyang administrasyon kasabay ng katiyakan na bilang PA, pakikinggan niya at kokonsultahin ang lahat ng mga pinuno ng mga tanggapan sa mga bagay na may kinalaman sa public service delivery lalo’t higit paiiralin niya ang transparency.

Samantala, pinasalamatan naman ni Governor Catamco si PA Atty. Nicholas S. Marasigan sa suporta at paglilingkod nito sa provincial government ng Cotabato. (Daisy Mangod)
North Cotabato Pic

Facebook Comments