Former Miss Universe Philippines Gazini Ganados, nagbakasyon sa Ilocos Norte

49

iFM Laoag – Matapos makoronahan ang kanyang kahalili sa katatapos na Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo ng Ilo-Ilo City, si Miss Gazini Ganados ay nasa Ilocos Norte na ngayon upang magbakasyon.

Laking tuwa ng dumating si Gazini sa Ilocos Norte at balak umano nitong puntahan ang iba’t-ibang tourist spots ng probinsiya gaya na lamang ng mga beaches, falls at iba pang nakakaakit na lugar dito.


Photos: PGIN-INTO

Balak din ng Beauty Icon ang matikman ang iba’t-ibang pagkain ng Norte gaya na lamang ng empadanada, bagnet, longganiza at iba pa. Bisitahin ang mga lumang estraktura at subokin ang sand dunes ng Paoay gamit ang 4×4, at iba pang adventure activities ng probinsiya.

Maalalang nagbukas ng pintuan kamakailan ang Ilocos Norte sa mga Turista na manggagaling sa Luzon, ngunit mahigpit paring pinatutupad ni Governor Matthew Marcos Manotoc ang health standards ng DOH. (Bernard Ver, RMN News)

Facebook Comments