Personal na inabot ni CHR Region 2 Director Atty. Jimmy Baliga ang cheque na nagkakahalaga ng P10,000 kay alyas Arcy sa tulong ng 77IB.
Aniya, patuloy na umaagapay ang kanilang ahensya sa mga nakaranas ng paglabag sa kanilang karapatang pantao.
Isa lamang ang pagbibigay ng tulong pinansyal sa marami pang iba na maaaring matanggap ng mga kabataang biktima ng teroristang NPA.
Si alyas Arcy ay labing-anim (16) na taong gulang lang noon ng magamit siya bilang armed courier ng mga Communist Terrorist Group hanggang sa pilitin siyang umanib sa makakaliwang grupo noong 2017.
Ayon sa naging salaysay ni alyas Arcy, napilitan itong sumapi sa grupo dahil sa pananakot.
Noong March 17, 2021, sinamantala nito ang oportunidad na magbalik-loob sa pamahalaan.
Samantala, hinimok naman ni LtC Magtangol G Panopio ang natitira pang miyembro ng makakaliwang grupo na magbalik loob nalang sa pamahalaan at tamasahin ang benepisyo sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).