Former PNP Chief Gen. Azurin, nagpasalamat kay PBBM dahil sa pagkakatalaga sa kanya bilang Special Adviser at Investigator ng ICI

Nagpahayag ng pasasalamat si Retired Gen. Rodolfo Azurin Jr. kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa tiwala at kumpiyansang ibinigay sa kanya matapos siyang italaga bilang kapalit ni Baguio city Mayor Benjie Magalong na nagbitiw bilang special adviser at investigator ng Independent Commission for Infrastructure (ICI).

Ayon kay Azurin, itinuturing niyang “pinaka-karapat-dapat” si Magalong sa naturang posisyon, pero handa aniya siyang gampanan ang tungkulin para maipagpatuloy ang adbokasiya ng komisyon.

Hinimok din ni Azurin ang lahat na magkaisa at magtulungan upang maihatid ang hustisya at maibsan ang pagdurusa ng taumbayan na siyang pangunahing layunin ni Pang. Marcos sa pagtatatag ng ICI.

Si Azurin ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Makatao” Class of 1989 at nagsilbing ika-28 Philippine National Police (PNP) Chief mula Agosto 1, 2022 hanggang sa kanyang pagreretiro noong Abril 24, 2023 na unang PNP chief sa ilalim ng Marcos administration.

Bago nito, naging hepe siya ng Police Regional Office (PRO) I, director ng PNP Maritime Group, at tumulong sa iba’t ibang departamento gaya ng Directorate for Comptrollership at Directorate for Information and Communication Technology (ICT) Management.

Facebook Comments