
Nagpasalamat si dating Philippine National Police (PNP) Chief Police General Nicolas Torre III sa suporta ng publiko.
Sa kanyang verified Facebook account, ibinahagi ni Torre ang post ng isang Facebook page na nakasaad na:
“Sa bawat laban—sa ring man o sa serbisyo—ang tagumpay ay laging para sa taumbayan. 🥊🇵🇭
Ang lakas at tapang ni Chief Torre ay para sa kapakanan ng bawat Pilipino. Dahil ang tunay na tagumpay ay ang patuloy na paglilingkod sa bayan. ⭐️⭐️⭐️⭐️
Nilagyan nya rin ito ng caption na “Salamat po sa suporta nyo.”
Samantala, sinusubukan pa rin nating kuhanin ang pahayag ni Torre at kanyang saloobin sa palitan ng liderato sa PNP.
Pero sa mga oras na ito, ay wala pa ring tugon si General Torre.
Facebook Comments









