FORMER REBELS, NAKATANGGAP NG TULONG PANGKABUHAYAN

Cauayan City – Bagama’t dating sumalungat sa pamahalaan, hindi pa rin ito naging hadlang upang abutan ng tulong ang mga dating miyembro ng makakaliwang grupo sa lalawigan ng Cagayan.

Sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), anim na dating mga rebelde mula sa bayan ng Rizal, Santo Niño, at Baggao ang nakatanggap ng tulong pangkabuhayan na nagkakahalaga ng P20,000 bawat isa.

Ang paggawad ng nabanggit na tulong ay isinagawa kasabay ng joint meeting ng Provincial Peace and Order Council, at Provincial Anti-Drug Abuse Council, at Provincial Task Force to End Local Communist Armed Conflict.


Ayon kay PSWDO Helen Donato, maliban sa anim na benepisyaryo, mayroon pang susunod na makatatanggap din ng parehong tulong na ipamamahagi naman sa pamamagitan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).

Facebook Comments