Cauayan City – Bagama’t minsan ng sumalungat sa pamahalaan, hindi pa rin pinabayaan ang mga former rebels sa lalawigan ng Isabela.
Nakatanggap ng assistance package na nagkakahalaga ng P15,000 ang 41 dating miyembro ng makakaliwang grupo mula sa lalawigan.
Ang tulong na ito ay mula sa Department of Interior and Local Government sa ilalim ng programang Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP.
Layunin ng programang ito na kahit papaano ay mabigyan ng tulong ang mga ito partikular na sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.
Bukod sa assistance package, inanunsyo rin ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel R. Lopez na inaprubahan na ni Provincial Governor Rodito Albano III ang pagtanggap ng mga ito ng limang kilong bigas kada buwan.