Former Senator Bongbong Marcos at Senator Christopher Bong Go, nanguna sa presidential at vice presidential race ng Pahayag survey

Nanguna sina dating Senator Bongbong Marcos at Senator Christopher Bong Go sa Pahayag survey na isinagawa ng Publicus Asia Inc. para sa presidential at vice presidential race sa eleksiyon 2022.

Nakakuha si Marcos ng 49.3% rating, na sinundan si Vice President Leni Robredo na may 21.3% sa pagkandidatura sa pagka-presidente.

Nasa ikatlong pwesto naman si Manila Mayor Isko Moreno (8.8%), sinundan nina Senador Panfilo Lacson (2.9%), Senator Manny Pacquiao (2.8%) at Senator Ronald Dela Rosa (1.9%).


Samantala, para sa mga kakandidatong bise presidente, may 23.6% rating si Go, sumunod si Doc Willie Ong (19%) at Senate President Tito Sotto (17.3%).

Pang-apat si Senator Kiko Pangilinan na may 12.3% at sinundan ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza (2.6%).

Samantala, mataas rin ang approval at trust rating na nakuha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Pahayag Quarter 3 survey na nasa 60% approval rating at 53% na trust rating.

May kabuuang 1,500 respondents ang sumagot sa isinagawang survey noong October 11 hanggang October 18, 2021.

Facebook Comments