Former senator Chiz Escudero, pumapangalawa na sa senatorial list sa bagong survey ng RMN-APCORE

Nangunguna pa rin si Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa latest survey ng Radio Mindanao Network at Asia Pacific Consortium of Researchers and Educators (RMN-APCORE).

Mayroong 45.3% ngayon si Duterte subalit mas mababa ito ng 2.7% kumpara sa kaniyang nakuhang 48% noong Nobyembre 2021.

Pumapangalawa si Senate President Tito Sotto III na nakakuha ng 26% at sinundan nina Senator Kiko Pangilinan na may 9.9%, Doc Willie Ong na may 7% at Congressman Lito Atienza na may 1.9%.


Si Walden Bello lamang ang wala pa sa 1% ang nakuha sa survey.

Pagdating naman sa senatorial race, nananatili sa top 1 ang broadcaster na si Raffy Tulfo na may 62.9%.

Pero humahabol din si dating senador Chiz Escudero na nasa ikalawang pwesto na matapos makakuha ng 52.8% mula sa 36% at sinundan ni dating house speaker Alan Peter Cayetano na may 49.3%.

Pang-apat naman si Senator Loren Legarda na nasa 43.1 percent, pang lima at pang anim sina Senators Migz Zubiri at Sherwin Gatchalian.

Habang nasa ika-pito at ikawalong pwesto sina former DPWH Secretary Mark Villar at Robin Padilla.

Samantala, may tyansa rin sa top 12 sina dating Vice President Jejomar Binay, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Joel Villanueva, Risa Hontiveros at Herbert Bautista.

Isinagawa ang survey nitong January 26 hanggang January 30, sa 2,400 respondents na edad 18 pataas at may +/-2 margin of error sa 95% confidence level.

Facebook Comments