
Naniniwala si dating Solicitor General Menardo Guevarra sa kakayanan ni Atty. Darlene Berberabe bilang kaniyang kapalit.
Ito ay makaraang italaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ang Law Dean ng University of the Philippines bilang bagong legal representative para sa gobyerno.
Ayon kay Guevarra, masaya siya para kay Berberabe na isang top-caliber na lawyer at may impresibong management background.
Sa ngayon, magiging isang pribadong indibidwal na lamang daw muna ulit si Guevarra.
Bago maging Solicitor General, nagsilbi si Guevarra bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nang ipaaresto naman ang dating pangulo, tumangging kumatawan ang OSG para sa mga opisyal ng gobyerno na inireklamo sa Korte Suprema at iginiit na hindi kinikilala ang hurisdiksyon ng International Criminal Court.
Wala pang inaalok na bagong posisyon si Pangulong Marcsos kay Guevarra.









