Former spox Roque at dalawang incorporator ng Whirlwind Corp., sinampahan ng kasong qualified human trafficking sa DOJ

Sinampahan na rin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ng reklamo si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque dahil sa pagkakadawit sa kanya sa operasyon ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Kasong qualified human trafficking ang isinampa ng PAOCC at Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice laban kay Roque at dalawa pang indibidwal dahil sa sinalakay na Lucky South 99 sa Pampanga.

Batay sa supplemental complaint affidavit, inireklamo rin ang dalawa pang incorporators ng Whirlwind Corporation.


Ayon kay District City Prosecutor Darwin Cañete, lumalabas na may aktibong partisipasyon si Roque sa operasyon ng POGO.

Nito lamang ding Oktubre nang sampahan naman ng graft sina suspended Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil at iba pang opisyal dahil sa pag-o-operate ng naturang POGO firm sa kabila ng problema nila sa mga dokumento.

Facebook Comments