Former Super Sireyna 2014 Sabel Gonzales, nagbalik-loob na bilang lalaki

Ikinagulat at ikinatuwa ng LGBT community ang pag-anunsyo ng Super Sireyna Queen of Flowers winner na si Sabel Gonzales na siya ay nagbabalik-loob na sa pagiging lalaki.
Nakilala si Sabel sa isang beauty contest sa isang noontime show noong 2014. Kumatawan rin sya bilang Miss International Queen 2017 sa Thailand kung saan nakapasok siya sa Top 10 at nakapaguwi ng korona para sa bansa.
Kasabay ng pagbabalik-loob niya, ay gamit na niya ang kanyang tunay na pangalan na “Mark Estephen”.
Sinabi niya sa kanyang FB account noong January 23 na nahanap niya ang totoong kaligayahan sa buhay sa pamamagitan ng pagbabalik-loob sa Poong Maykapal.
“It’s 2018, and I found my true happiness in life from Our lord Jesus Christ.”, aniya ni Mark.
Bumuhos ang suporta at positibong komento mula sa kanyang mga kaibigan at fans sa Facebook.

Facebook Comments