Isinagawa sa bayan ng Alamada sa lalawigan ng North Cotabato ang Bangsamoro Stakeholders’ Forum on Anti-Violent Extremism . Ito na ang ikatlong serye ng aktibidad na unang ginawa sa 2nd at 3rd district ng lalawigan. Ayon kay North Cotabato Provincial Planning and Development Officer Loreto Cabaya Jr.,tinatalakay dito ang masamang dulot sa komunidad ng violent extremism na inihahasik ng iba’t ibang mga ekstremistang grupo sa Mindanao tulad ng nangyari sa Marawi City.
Pinag usapan din sa forum ang mga hakbang na maaaring gawin para iwasan at labanan ang ganitong uri ng karahasan.
Dumalo sa naturang pagtitipon ang mga kinatawan ng PNP, AFP, LGUs, religious sector, business sector, youth sector at mula sa hanay ng Moro Islamic Liberation Front o MILF.(Amer Sinsuat)
Forum on anti violent terrorism and extremism isinasagawa sa North Cotabato
Facebook Comments