Forum para sa mga negosyanteng Vietnamese sa Pilipinas, isasagawa sa bansa

Isang forum na may kaugnayan sa negosyo at investment ang gagawin ng Vietnam dito sa Pilpinas.

Ito ay para muling bigyang oportunidad ang mga negosyanteng Vietnamese sa Pilipinas na magnegosyo dito sa bansa.

Ito ang sinabi ni Vietnam’s National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue sa pakikipagpulong nito kay pangulong Ferdinand Marcos Jr., kahapon sa Malakanyang.


Ayon pa kay Vuong, tinanggap ni House Speaker Martin Romualdez ang imbitasyon nilang makiisa sa forum ang mga executive at business leaders sa Pilipinas.

Umaasa si Vuong na sa pamamagitan ng gagawing forum ay mas mapapalakas ang kalakalan at invesment sa pagitan ng Vietnam at Pilipinas.

Suhestyon pa ni Vuong na mas maiging magtrabaho hindi lang sa pagitan ng Vietnam at Pilipinas, sa halip magtrabaho multilaterally para maresolba ang mga kinakaharap na problema ng rehiyon.

Ang Vietnam at Pilipinas ay nagkasundo na magtutulungan para sa digital transformation, cybersecurity, at iba pang areas of cooperation.

Kaugnay nito, sang-ayon naman ni Chairman Vuong kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pangangailangan sa pagkakaroon ng balance sa kalakalan, lalo’t inihayag ng Vietnam ang plano nilang pag-iimport ng commodities at goods mula sa Pilipinas.

Facebook Comments