Matagumpay na pinasinayaan ang Provincial Rice Technology Forum ukol sa pagbabahagi ng kaalaman sa makabagong teknolohiya sa pagsasaka sa bayan ng Tayug.
Dinaluhan ang nasabing aktibidad ng mga magsasaka sa bayan kung saan ibinahagi sa mga ito ang ukol sa tatlumpu’t isang (31) na klase ng hybrid rice varieties na susuri sa mga klase ng palay na gusto nilang itanim sa kanilang mga sakahan.
Itinuro din sa kanila ang makabagong teknolohiya sa pagtatanim o ang tinatawag na techno demo sa tulong ng Provincial Rice Program Coordinator Gloria De Guzman at Provincial Technology Demonstration Coordinator Gemma Rosario, kasama na rin ang iba’t ibang kumpanya ng hybrid rice.
Naging posible ang nasabing forum dahil sa layunin ng lokal na pamahalaan ng Tayug at ng pamahalaang panlalawigan ng Pangasinan na tulungan ang mga magsasaka sa kanilang pagsasaka dahil isa ang palay sa pinaka-kailangan ng sambayanan. |ifmnews
Facebook Comments