Inilunsad ngayong araw ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang Bayaning Pulis Foundation.
Ito ang kauna-unahang foundation na itinatag para magbigay ng scholarships sa mga anak ng mga pulis na nagbuwis ng buhay o ang mga pulis na hindi na kayang gampanan ang kanilang tungkulin matapos mapasabak sa mga operasyon.
Ayon kay PNP Spokesperson Col. Ysmael Yu, ibibigay ng Bayaning Pulis Foundation sa mga scholar ang libreng pag-aaral mula elementarya hanggang kolehiyo.
Nagpasalamat naman si PNP Chief General Camilo Cascolan sa PCCI sa pamumuno ni Benedicto Yujuico na siya ring Chairman ng Bayaning Pulis Foundation at sa iba pang mga tumulong para masimulan ang foundation.
Sinabi pa ni PNP Chief na ang pagtatag ng foundation ay isang milestone sa PNP P.A.T.R.O.L. Plan 2030, na nakatutok sa kapakanan ng mga pamilya ng mga PNP personnel.