Founder ng 8chan website na si Fredrick Brennan, tumungo sa PNP anti-cybercrime office sa Camp Crame

Nagpakita sa tanggapan ng PNP anti-cybercrime group sa Camp Crame si Fredrick Brennan, ang founder ng 8chan website.

Ang 8chan ay ang online messaging board na sinasabing may kinalaman sa dalawang mass shooting incidents sa Estados Unidos.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brig. Gen. Bernard Banac, tumungo si Brennan sa PNP Anti-cybercrime group para makipag-tulungan sa ginagawang imbestigasyon.


Kasama ni Brennan ang kanyang abogado nang tumungo sila sa PNP anti-cybercrime para ihayag na willing silang makipag-tulungan sa imbestigasyon.

Sa ngayon, inaalam ng PNP anti-cybercrime group kung may koneksyon sa violent extremism ang 8chan website.

Tiniyak naman ni Brig. Gen. Banac sa publiko na nananatiling alerto ang PNP para tumugon sa mga emergency situation.

Facebook Comments