Founder ng KAPA Community na si Joel Apolinario, marami pang kakaharaping kaso ayon sa SEC

Marami pang kaso ang asahan ngayong naaresto na ang founder ng Kabus Padatoon (KAPA) Community Ministry International na si Joel Apolinario.

Ayon kay Securities and Exchange Commission (SEC) Chairman Emilio Benito Aquino, mabilis nang umuusad ang proseso ng batas kaya malaki ang tiyansang maharap sa patong-patong na reklamo ni Apolinario.

May pagkakataon na ring magsampa ng demanda ang ilan pang gustong magreklamo para mabawi ang kanilang naging investment.


Kasabay nito, ipauubaya na ng Malakanyang sa korte ang magiging kapalaran ni Apolinario.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sa ganitong paraan ay mabibigyan na ng pagkakataon si Apolinario na ipagtanggol ang kaniyang sarili laban sa mga akusasyong ibinabato sa kaniya.

Bahala na rin aniya ang korte na magpasya sa magiging depensa ni Apolinario kung dapat ba itong makulong o hindi.

Facebook Comments