Founder ng MPBL Senator Manny Pacquiao, hinikayat ang mga kumpanya na mag-sponsor sa naturang koponan

Manila, Philippines – Hinimok ni Founder ng Maharlika Pilipinas Basketball League at Senador Manny Pacman Pacquiao ang mga majors company sa buong bansa na mag-sponsor sa Maharlika Pilipinas upang mapagbigyan ang mga kabataan na mahilig maglaro ng basketball na makilala at maging tanyag.

Sa ginanap na presscon, sinabi ni Pacquiao na kaya niya naitatag ang naturang koponan dahil bukod sa boksing ay talagang mahilig siyang maglaro ng basketball.

Paliwanag ng pambansang kamao kapag sa mga LGU’s ay baka makwestyon sila sa COA.


Nilinaw naman ni MPBL Commissioner Snow Badua na walang age limit ang sinumang nais na sumali sa naturang liga.

Mayroon lamang umano na 300 Franchise fee sa bawat koponan na nais sumali o makapasok sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Dagdag pa ni Badua, kapag naglaro na sa kanilang koponan ang mga varsities ay hindi na pwede maglaro pa sa MPBL.

Layon umano ng MPBL ay para mapalakas ang sports sa bansa at kayang makipagsabayan ng mga palakasan sa ibang bansa.

Giit ng MPBL Commissioner na ang amateur rules ang kanilang paiiralin sa naturang palakasan at finalize na kung ano ang mga bawal at hindi sa paglalaro ng MPBL kung saan ang bawat team ay binibigyan ng 6 months para pumirma ng kontrata.

Facebook Comments