Maging si Partido Reporma Chairman Emeritus at Founder at dating Executive Secretary Renato de Villa ay nagulat sa pagkalas ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson sa partido at pag-anunsyo ni Party President Pantaleon Alvarez na iba na ang susuportahan nitong kandidato.
Sa isang pahayag, sinabi ni De Villa na hindi niya inaasahan ang nangyaring mga kaganapan kahapon, bagama’t wala na siyang magagawa sa pangyayari, kinokonsidera naman niyang mature politicians sina Lacson at Alvarez na inaayon ang kanilang desisyon sa kanilang personal na paniniwala.
Gayunpaman, bilang orihinal aniyang endorser ni Senador Ping Lacson ay patuloy niya pa ring susuportahan at ieendorso si Lacson.
Umaasa si De Villa na patuloy ring susuportahan at hindi iiwan ng kaniyang mga taga suporta si Senador Lacson.