Manila, Philippines – Iginiit ng isang kongresista na anti-worker ang panukalang four day work week na ipinasa ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa.
Paliwanag ni Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, ang compressed work week ay paglabag sa karapatan ng mga manggagawa dahil mangangahulugan ito ng mahabang oras ng pagtatrabaho pero wala namang dagdag na sahod.
Mas nakakapagod aniya ito dahil dose oras na magtatrabaho ang isang empleyado kumpara sa kasalukuyang otso oras para lamang makumpleto pa rin ang 48 hours na trabaho sa isang linggo.
Ang ganitong kahabang oras ng trabaho ay hindi aniya maganda sa katawan at kalusugan ng isang taoat nababalewala din ang matagal na ipinaglaban na pagkakaroon ng walong oras lamang na trabaho sa isang araw.
Nababahala ang kongresista na magiging daan lamang ang four day work week sa pagdami lalo ng contractual sa bansa.
Umaasa si Zarate na hindi uusad ang counterpart na panukalang ito sa Senado.