FPA Region 2, Nagbabala sa mga Magsasaka kaugnay sa Pekeng Abono na Ibinebenta

Cauayan City, Isabela- Nagbabala sa publiko ang Fertilizer and Pesticide Authority Region 02 na maging mapagmatyag sa kumakalat ngayong pekeng abono sa merkado.

Ayon kay Leo Bangad, Regional Manager ng Fertilizer and Pesticide Authority, pinaalalahanan nito ang mga magsasaka kaugnay sa mga naglipanang pekeng abono.

Ani Bangad, dahil sa mataas na presyo ng abono ay sinamantala ng iba na mameke at ibenta ang mga ito sa mga magsasaka.

Ilan sa mga sinasabing ibinebentang pekeng abono ay ang Philphos fertilizer na grade 14-14-14 at 16-20 na hindi tunay ayon sa kanilang pagsusuri.

Para masuri kung ito ay peke, makikita sa kanyang label na mas malinaw ang pagkaprinta kaysa sa orihinal na pagkagawa.

Ayon pa sa tanggapan, hindi rin magkapareho ang texture at kulay ng abono na kung suriin ng mabuti ay parang may halo.

Sa kasalukuyan ay isinasagawa ang confirmatory analysis sa komposisyon ng abono.

Panawagan ng FPA sa mga magsasaka na maging mapagmatyag at sumangguni sa mga FPA Officers sa inyong lugar kung may makitang pekeng abono upang hindi masayang ang perang gugugulin para dito.

Facebook Comments