Nananawagan si House Quad Committee Co-chairman at Manila 6th District Representative Bienvenido “Benny” Abante Jr. sa Department of Justice (DOJ) at Office of the Ombudsman na pag-aralan ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Mungkahi ito ni Abante sa DOJ at Ombudsman makaraang ihayag ni Duterte sa pagdinig ng senado ang pag-ako sa buong legal na responsibilidad kaugnay sa mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs.
Para kay Abante, ang mga inilahad ni Duterte sa senate hearing ay maaaring magbigay daan sa imbestigasyon ng DOJ at Ombudsman dahil ipinagbabawal ng batas sa Pilipinas ang pagpatay at extrajudicial killings (EJKs).
Giit pa ni Abante, wala ng aasahan si Duterte na proteksyon laban sa imbestigasyon at prosekusyon dahil tapos na ang pagiging pangulo nito.